Tuesday, November 08, 2005



PC Repair Ngayon sa Pinoy Big Sister House





Ngayong araw, pagrerepair ng PC ang inatupag ng ating mga housemates. Kaninong PC? E di kay Afedz Alsasua. Ang mga nasa bahay ni Ate, si Afedz, Tito, Brett at Nelson (pinatext na pumunta). Well, ung pc naman ni afedz, mukhang masama na talaga yung lagay kaya kailangan nang i-format. Buti na lang andyan si Tito at mayroon syang Windows98 Setup Disk. Bago pala ang repair, kumain din sila sa bahay, akalain mo ba namang ang daming kanin, as in ang dami talaga tapos napagkasya yun sa dalawang can ng tuna. Then after 9PM, umalis na si Ate at hinatid sya ni Niel gamit ung motorsiklo nya. Grabe, ang lufet magdrive ni Niel, humaharurot sa C5, sa gitna pa talaga ng kalsada ang trip, tapos sobrang bilis. Pero ayun, nasa bahay silang lahat, expect the unexpected, mukhang makalat na naman sa bahay ni Ate bukas ng umaga. :-)

>>Teka, Tito! Baket mukha kang palaboy dito, ok ka lang ba? :-P

No comments: